Articles

Walang bahid o walang budhi.

Bago pa man mapasakamay ng malaking panginoong maylupang pamilyang Cojuangco ang pag-aari sa asyenda ay umiiral na ang matinding pangangamkam ng lupa at pyudal na pagsasamantala at pang-aapi sa mga magsasaka.

Si Jose “Peping” Cojuangco Sr ay ama ng dating pangulong si Corazon “Cory” Cojuanco-Aquino. Ang salaping ipinangbayad sa Hacienda Luisita ay nang galing sa GSIS at isang malaking bangko sa bansang Amerika sa pamamagitan ng Bangko Central ng Pilipinas. Ang garantiya ng gubyerno sa mga utang ng mga Cojuangco na nagbigay-daan sa pag-angkin ng pamilyang Cojuangco sa Hacienda Luisita at Central Azucarera de Tarlac noong 1957 ay may kondisyong ipamamahagi ng pamilya ang lupain sa mga manggagawang bukid sa asyenda makaraan ang sampung taon. Lumipas and sampung taon, nadagdagan ang utang ni Cojuango ng labing pitong milyung piso para sa pagbili ng mga kagamitang bukid, pagkakaroon ng tubig at para mabayaran ng lubos ang halaga ng buong lupain.

Subalit nang dumaan ang dalawangpung taong palugit nang walang pamamahagi ng lupa na ipinatutupad ang mga Cojuangco, lumakas ang angal ng mga manggagawang bukid sa di pagtupad ng obligasyon ng panginoong maylupa. Noong 1980 ay nagsampa na ng kaso ang mga manggagawang bukid laban sa mga Cojuangco. Noong Disyembre 1985, nagpasya ang korte na dapat na ngang ipamahagi sa mga manggagawang bukid ang lupa, pero umapela laban dito ang pamilyang Cojuangco.

  • Pebrero 1986, nagging pangulo ng Pilipinas ang ikaanim na anak ni "Peping" Cojuangco Sr.--si Corazon Cojuangco Aquino--ang dantaon nang iginigiit ng mga magsasaka na magkaroon ng lupang mabubungkal ay sumambulat at naging madagundong na panawagan di na lamang sa Hacienda Luisita kundi sa buong bansa. Ngunit, walang totoong kagustuhan si Aquino na magpatupad ng tunay na reporma sa lupa na minamayari ng kanyang pamilya.
  • Enero 22, 1987, naganap ang Masaker sa Mendiola noong nang dahasin ng mga gwardya ng Palasyo at iba pang pwersang militar at pulisya ang mga magsasaka at iba pang raliyista na nagmartsa roon mula pa sa mga
  • Tinangka ng rehimeng Aquino na lansihin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng mga batas at reporma na pabor lamang sa pamilya Cojuangco. Malaking bahagi na ng 6,453 ektaryang lupain ng asyenda ang naipailalim na sa pagpapalit-gamit. Mahigit 3,500 ektarya na ang nakatakdang ibaling sa komersyal, industriyal at residensyal na gamit. Bukod dito, umabot na sa 2,000 ektarya ng asyenda ang naibenta o ipinauupa na ng mga Cojuangco sa mga dayuhan at sa mga pinapaborang lokal na negosyante at pulitiko. Layunin ng mga Cojuangco na gawing pangunahing sentrong komersyal ng prubinsya ang Hacienda Luisita para mapakinabangan nila ang higit na pagpapataas ng presyo ng lupa. Bunga ng kasakiman, pandaraya at pang-aapi sa kanila ng maneydsment, sunud-sunod ang mga inilulunsad na laban at isinasampang kaso ng mga magsasaka at mga manggagawang bukid laban sa mga Cojuangco.
  • Disyembre 2003, dahil sa pagmamatigas ng maneydsment ng pamilyang Cojuangco, umigting ang pakikipaglaban ng mga manggagawang bukid sa iba't ibang paraang ginagawa ng mga Cojuangco para masisante ang mga lider, mawasak ang mga unyon sa asyenda--kapwa ang 5,000-kataong United Luisita Workers Union at ang 700-kataong Central Azucarera de Tarlac Labor Union--at mapagkaitan ng makatarungang sahod at mga benepisyo ang mga myembro nito. Naobliga ang mga unyong ito na maglunsad ng welga noong Nobyembre 2004.
  • Nobyembre 6, 2004, nagpiket ang mga magsasaka at hinarangan ang Gate 1 at 2 ng sentral.
  • Nobyembre 10, 2004, naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng kautusang Assumption of Jurisdiction (AJ). Binigyang-katwiran ng AJ ang mga pulis at militar na gamitan na ng dahas ang pagbubuwag sa welga. Sa tulak din ng mga Cojuangco, kabilang na si Benigno "Noynoy" Aquino III na siyang kongresistang kumakatawan noon sa distrito, lalong pinanggigilan ng Northern Luzon Command ng AFP ang mga nagwewelga at ginawang pokus ng kanilang kampanyang militar ang asyenda sa pagdadahilang pakana raw ng mga komunista ang pag-aalsa ng mamamayan doon.
  • Nobyembre 16, 2004, marahas na binuwag ang welga. Isang madugong masaker ang naganap, kung saan pitong manggagawa ang kaagad na nasawi at pitong iba pang seryosong nasugatan ang namatay makaraan ang ilang araw.

Hindi nakuntento ang pamilyang Cojuangco sa masaker. Pinaghahanap at sunud-sunod pang pinagpapatay ang mga lider at tagasuporta ng mga lumalabang magsasaka at manggagawang bukid sa asyenda.


Hanggang ngayon ay wala pang kahit isa sa mga militar o pulis na sangkot sa masaker ang pinarurusahan. Lalunang hindi pa napananagot ang mismong mga nag-utos ng masaker. Ano ang ginagawa mo Noynoy? Sila ang mga taong nasa iyong bakuran lamang. Isa ka sa may-mayari ng Hacienda Luisita. Huwag mong daanin sa numero lamang na kokonti lamang ang iyong “shares”. Ikay ang “congressman” noong naganap ang masaker, ngayon ikaw ay isang senador. Ang ama ng iyong ina ang nagcam-cam ng lupa. Ang mga kapatid ng iyong ina ang namamalakad ng korporasyon. Gaya mo, wala din bang ginawa si dating pangulong Cory Aquino?